SUPREME Admin
Posts : 256 Join date : 2009-06-27
| Subject: Pagnanalo si mister sa lotto Wed Jul 01, 2009 7:02 am | |
| MISTER: (SHOUTING!) Honey, mag-empake ka na, nanalo ako sa lotto.
MISIS: Wow! Anong dadalhin ko?
MISTER: Wala akong pakialam, basta lumayas ka na!
[Kaya pala mahilig tumaya ang tatay ko sa lotto!
Lets Make Love
Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na to, let's make love.
Husband: Heh! tumigil ka nga. maaga pa akong gigising bukas, buti ikaw hindi na.
Thoughtful Na Kriminal Kriminal 1: Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?
Kriminal 2: Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!
Kriminal 1: Sana naman wlang nangyaring masama sa kanya.
Ang sweet naman
Test kung may sayad ka
Si Juan ay bumisita sa isang mental hospital at siya'y nag-usisa para sa kanyang school assignment.
Juan: Papaano nyo po ba nalalaman kung talagang me sayad ang pasyenteng dinadala sa dito?
Doktor: Ganito yun. Pinupuno namin ng tubig ang isang bath tub. Tapos, iaabot namin sa pasyente ang kutsara, tasa at balde at uutusan namin siyang limasin o tanggalin nya ang tubig sa bathtub. Titingnan namin ngayon kung ano ang gagamitin niya sa tatlo.
Juan: Magaling, siguradong pipiliin ng normal na tao ang balde para mabilis na maubos ang tubig!
Doktor: Mali! Kapag normal ang isang tao, tatanggalin lang niya ang plug (yung tapon na nakabara sa butas) ng bathtub!
[(kayo pumili ba kayo sa tatlo? me sayad ba kayo? | |
|